Monday, September 10, 2018
Marinduque's Pride
SANTA CRUZ, Marinduque - Hinangaan ang katapatan ng dalawang mag-aaral sa Santa Cruz, Marinduque matapos nilang isauli ang napulot na wallet na mayroong lamang pera.
Ayon sa Santa Cruz PNP, agad dinala ng magkaklase ang nasabing wallet sa kanilang himpilan nitong Martes, Setyembre 4.
Kinilala ang mga matatapat na mag-aaral na sina Emil Ordillano at Justin del Mundo, kapwa 12 taong gulang, residente ng Barangay Lapu-Lapu, Santa Cruz at kasalukuyang nag-aaral sa Santa Cruz Institute.
Samantala, inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng wallet. -Marinduquenews.com
12-anyos na magkaklase, nagsauli ng napulot na wallet na may lamang pera
Hinangaan ang katapatan ng dalawang mag-aaral sa Santa Cruz, Marinduque matapos nilang isauli ang napulot na wallet na mayroong lamang pera.