Sunday, January 4, 2026

,

Barko mula Marinduque patungong Lucena tumirik, dangerous cargo vessel to the rescue


MOGPOG, Mariduque -- [UPDATED] Nagka-aberya habang bumibiyahe ngayong Linggo ng hapon, Enero 4 ang isang barko ng Starhorse Shipping Lines na nagmula sa Balanacan Port, Mogpog patungong Talao-Talao Port, Lucena City.

Kwento ng isang pasahero, tumirik ang kanilang sinasakyang barko na M/V Peñafrancia 7 kaya nagpalutanglutang sa karagatan.

Aniya, mabuti na lamang at nakasalubong nila ang dangerous cargo vessel na Viva San Lorenzo Ruiz na s'yang umaagapay ngayon sa Starhorse 7 para makarating sa pantalan.

Hindi na ibinalik sa Balanacan Port ang Starhorse 7 bagkus ay hinila na lamang patungong Talao-Talao Port dahilan para maging mabagal ang pag-usad ng nasabing mga barko.

[Update as of 5:20 pm]

Ligtas nang nakarating sa Talao-Talao Port, Lucena City ang mga pasaherong sakay ng naturang mga barko. -- Marinduquenews.com