Tuesday, December 16, 2025

,

Oblation run kontra mina at katiwalian, isinagawa sa Marinduque



BOAC, Marinduque -- Sa kauna-unahang pagkakataon, isinagawa ngayong Martes, Disyembre 16 ang oblation run o run of the valiants sa campus ng Marinduque State University (MarSU) na bahagi ng ika-100 taong anibersaryo ng Alpha Phi Omega (APO).

Ayon kay APO Mandin President Chit Curaming, walang kakayahan ang mga kabataang miyembro ng APO na bumiyahe sa Maynila para makiisa sa mga rally kaya nagdesisyon ang mga ito na sa Marinduque magsagawa ng kaparehas na gawain.

"Hindi afford na sumama sa rally sa Maynila ang ating mga future leader kaya nag-isip sila ng paraan para maibulalas ang kanilang nararamdaman patungkol sa mga nangyayari ngayon sa ating pamayanan at pamahalaan," pahayag ni Curaming.

Nakasentro ang kanilang adbokasiya sa mga isyu ng korapsyon, pagmimina at maayos na serbisyong medikal para sa mamamayan.

Bago ang naturang freedom run ay pormal na pinasinayaan ang landmark ng APO Marinduque na matatagpuan sa Brgy. Bangbangalon, Boac na sinundan ng motorcade mula Kapitolyo hanggang Mogpog at MarSU. -- Marinduquenews.com