Wednesday, April 29, 2026

, ,

Mahinang lindol, naitala sa Santa Cruz


SANTA CRUZ, Marinduque — Isang mahinang lindol na may lakas na magnitude 2.4 ang naitala sa bayan ng Santa Cruz nitong Martes, Abril 28, bandang 9:12 ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ang lindol ay nagmula sa lalim na anim na kilometro at natukoy ang epicenter sa humigit-kumulang 11 kilometro sa hilagang kanluran ng nasabing bayan.

Wala namang pinsala na naidulot at inaasahang aftershocks ang naturang pagyanig. -- Marinduquenews.org