Thursday, March 5, 2026

, ,

Lalaki patay matapos maaksidente sa humps sa Brgy. Taytay


SANTA CRUZ, Marinduque — Patay ang isang lalaki matapos maaksidente habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Taytay, Santa Cruz.

Kinilala ang biktima sa alyas na Nel, residente ng Barangay Pagasa ng naturang bayan.

Batay sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang hindi nito napansin ang isang medyo may kataasang humps sa kalsada. Dahil dito ay nawalan siya ng kontrol sa sasakyan na nagresulta sa aksidente.

Sa lakas ng impact, tumama ang leeg ng biktima sa isang poste na nasa gilid ng kalsada.

Agad na dinala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas. Gayunman, dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan, binawian din ito ng buhay.

Samantala, nanawagan ang isang netizen sa mga kinauukulan na pinturahan o lagyan ng malinaw na marka ang mga humps sa kalsada upang agad itong mapansin ng mga motorista at maiwasan ang kaparehong insidente.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ang mga motorista na laging magsuot ng helmet at mag-ingat sa pagmamaneho lalo na sa mga lugar na may humps o hindi pantay ang kalsada. -- Marinduquenews.org