Wednesday, June 17, 2026

, ,

1,260 pamilya sa Boac tumanggap ng tig-10 kilo na bigas


BOAC, Marinduque -- Tumanggap ng paunang tig-10 kilo na bigas ang nasa 1,260 pamilya sa bayan ng Boac nitong Martes, Hunyo 16.

Ayon kay Mayor Armi DC. Carrion, ang naturang distribusyon ay bahagi ng unang sigwada ng Food Assistance-Rice Distribution Project na pinondohan ng Department of Budget and Management sa ilalim ng Local Government Support Fund-Financial Assistance to Local Government Units o LGSF-FA to LGU's) para sa taong 2026.

Aniya, sa pamamagitan ng nasabing programa ay pinagkalooban ang munisipalidad ng Boac nang ₱10 milyong pondo na ginamit sa pagbili at pamamahagi ng komersyal na bigas para sa mga nasasakupang residente.

Kabilang sa mga sektor na nabigyan ng ayuda ay ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), mga tricycle drivers, magsasaka at mangingisda na lubos na naapektuhan ng pagtaas ng produktong petrolyo.

Mula sa mahigit 17,000 pamilya sa Boac, tinatayang 13,888 na sako ng bigas ang nakalaan para sa mga benepisyaryo ng nabanggit na programa. -- Marinduquenews.org