Wednesday, November 25, 2026

Mag-aaral ng MarSU, Top 9 sa LEPT

BOAC, Marinduque -- Nasungkit ng isang mag-aaral mula sa Marinduque State University (MarSU) ang Top 9 para sa secondary level sa katatapos lamang na September 2026 Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT).

Kinilala ang mag-aaral na si Heart Lissur Baguinaon Reño, residente ng bayan ng Gasan, na nakakuha ng 93.60% na rating sa nasabing pagsusulit.

Nagtapos si Reño ng Bachelor of Secondary Education major in Mathematics sa MarSU.

Ipinahayag ng unibersidad ang kanilang pagmamalaki sa tagumpay ni Reño at hiniling na maging simula ito ng isang makabuluhan at matagumpay na paglalakbay sa larangan ng pagtuturo.

“This milestone mark the beginning of an impactful and fulfilling journey in shaping the minds and futures of the next generation. Your MarSU family is immensely proud of you!” pahayag ng MarSU.

Ang tagumpay ni Reño ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kapwa mag-aaral at aspiring teachers sa lalawigan. -- Marinduquenews.org