Aktibong nakiisa sa limang araw na Training on Coconut Production with Good Agricultural Practices ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Gasan.
Binigyang-diin ni Philippine Coconut Authority–Marinduque chief Judy DP. Pingco ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka upang higit na mapaunlad ang industriya ng niyog sa probinsya.
Bahagi ng pagsasanay ang serye ng talakayan at mga hands-on na aktibidad, kabilang ang wastong pagpili ng de-kalidad na seednuts, paghahanda ng seedbed, at tamang paglalayout at pagtatanim ng niyog. Layunin nitong matiyak na maisasabuhay ng mga kalahok ang mga natutunan at maipatupad ang mga ito sa kanilang mga komunidad. -- Marinduquenews.org
