Tuesday, June 2, 2026

, ,

Lamination, book binding libre sa Malusak


BOAC, Marinduque -- Maaari nang mag-avail ng libreng lamination at book binding services ang mga estudyanteng residente ng Barangay Malusak bilang bahagi ng programang pang-edukasyon ng sangguniang barangay.

Ayon kay Punong Barangay Sherwin Sace San Jose, nais ng kanilang sanggunian na makatulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga pangangailangang pang-eskwela kung saan pwede silang magpalaminate ng mga school documents, sertipiko, identification cards, at iba pang mahahalagang dokumento. Maaari rin umanong magpagawa ng book binding para sa iba't ibang school requirements nang walang anumang bayad.

Bukas ang serbisyo para sa lahat ng bona fide student residents ng Barangay Malusak. Hinihikayat ang mga estudyante na dalhin ang kanilang mga dokumento at school requirements at magtungo sa Barangay Hall sa oras ng opisina upang mabigyan ng kaukulang tulong.

Layunin ng programa na mabawasan ang gastusin ng mga mag-aaral at kanilang mga pamilya habang sinusuportahan ang kanilang pag-aaral at paghahanda sa mga kinakailangang akademikong gawain. -- Marinduquenews.org