BUENAVISTA, Marinduque — Isang mahinang pagyanig ng lupa ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs nitong Martes ng umaga, Hunyo 2 malapit sa karagatang sakop ng bayan ng Buenavista.
Batay sa ulat ng Phivolcs, naganap ang lindol dakong 9:41 a.m na may lakas na magnitude 1.4 kungsaan tectonic ang pinagmulan nito.
Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 14 kilometro timog kanluran ng nasabing bayan na may lalim na 36 kilometro.
Walang naidulot na anumang pinsala ang naturang lindol at hindi rin inaasahan ang pagkakaroon ng mga aftershock kaugnay ng pagyanig. -- Marinduquenews.org
