Wednesday, July 8, 2026

,

Maliliit na bangka sa Marinduque, bawal pumalaot simula Hulyo 9


TORRIJOS, Marinduque — Ipatutupad ang no sail policy para sa lahat ng maliliit at magagaang sasakyang pandagat sa buong lalawigan ng Marinduque simula alas-4:00 ng umaga ng Huwebes, Hulyo 9, dahil sa banta ng masamang panahon.

Batay sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Advisory No. 01-2026, ipatutupad ang pagbabawal sa paglalayag bunsod ng epekto ng enhanced southwest monsoon o pinalakas na habagat dulot ng Super Typhoon Inday.

Pinapayuhan ang mga mangingisda, biyahero, bangkero at operator ng mga sasakyang pandagat na manatili muna sa ligtas na lugar at huwag pumalaot habang umiiral ang masamang panahon at malalakas na alon.

Mahigpit ding pinaalalahanan ang mga nagbabalak bumiyahe sa dagat na sundin ang kautusan at iwasan ang paglalayag hanggang sa magkaroon ng panibagong abiso mula sa PDRRMC. -- Marinduquenews.org