GASAN, Marinduque — Nagsagawa ang Department of Agrarian Reform (DAR), sa pakikipagtulungan sa Marinduque State University (MarSU) ng Training on Value Adding of Coconut Biomass Wastes para sa 40 miyembro ng apat na agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) mula sa Gasan-Buenavista Cluster.
Pinangunahan ni Dr. Alexander Pascua ang pagsasanay, kung saan itinuro ang paggawa ng charcoal briquettes at cocopots gamit ang coconut biomass wastes o mga tirang bahagi ng niyog.
Layunin ng programa na maipakita sa mga kalahok kung paano maaaring gawing mga produktong may dagdag na halaga ang mga by-product ng niyog, habang nagbubukas ng karagdagang oportunidad para sa pagkakakitaan ng mga ARBO.
Kabilang sa mga lumahok ang mga miyembro ng Bayanihan Linis Tanim Multi-Purpose Cooperative (BALITA MPC), Buklurang Itinatag ng Mamamayan ng Daykitin Tungo sa Pag-unlad (BIDA), Bintakay Farmers Association (BFA), at Malbog Multi-Purpose Farmers Cooperative (MMPFC).
Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahan ng ahensya na maragdagan ang praktikal na kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagproseso at paggamit ng mga lokal na materyales upang makalikha ng mga produktong maaaaring pagkakakitaan. -- Marinduquenews.org
Thursday, August 13, 2026
Gasan, Local, News
Paggawa ng uling briquettes, cocopots itinuro sa 40 agrarian reform beneficiaries sa Gasan