Tuesday, September 8, 2026

2 kabataan mula Marinduque, pasok sa Top 10 ng librarian licensure exam

TORRIJOS, Marinduque -- Dalawang kabataang Marinduqueña ang nagningning sa Librarian Licensure Examination (LLE) 2026 matapos makapasok sa Top 10 ng pagsusulit.

Nanguna sa buong pagsusulit si Natalie Ericca Malubag ng Mogpog, na nakakuha ng 92.65% rating para sa Rank 1.

Samantala, si Jemima Faith Peralta ng Torrijos, na nagtala ng 91.70% ay nagkamit ng Rank 5.

Si Malubag ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas habang si Peralta ay sa Philippine Normal University-Manila.

Pareho silang magna cum laude ng kani-kanilang batch na kumuha ng kursong Bachelor of Library and Information Sciences.

Ang kanilang tagumpay ay dagdag na karangalan para sa Marinduque at patunay sa husay at dedikasyon ng mga Marinduqueño sa larangan ng edukasyon. -- Marinduquenews.org