SANTA CRUZ, Marinduque — Tumanggap ng bagong electric bike o e-bike ang isang person with disability (PWD) sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque, mula kay Congressman Reynaldo Salvacion.
Personal na ipinagkaloob ni Salvacion ang e-bike kay Alfred, isang sapatero na karaniwang makikitang nagtatrabaho malapit sa gate ng Holy Cross Parish sa nasabing bayan.
Ayon sa kongresista, madalas niyang makita si Alfred tuwing nagsisimba siya sa naturang simbahan. Hinangaan umano niya ang determinasyon nito na patuloy na naghanapbuhay sa kabila ng kanyang kapansanan.
"Ninais kong magbigay ng munting saya kay Alfred at makatulong sa kanyang pang-araw-araw na paghahanapbuhay upang mas maging madali, maginhawa, at maayos ang kanyang pagbibiyahe sa iba't ibang lugar habang ipinagpapatuloy ang kanyang hanapbuhay," pahayag ni Salvacion.
Lubos naman ang pasasalamat ni Alfred sa natanggap na e-bike, na maituturing niyang maagang pamasko at makatutulong sa kanyang pang-araw-araw na gawain at paghahanapbuhay. -- Marinduquenews.org
Monday, November 23, 2026
Features
PWD sa Santa Cruz, tumanggap ng e-bike mula kay Cong. Rey
