Sunday, March 29, 2026

Van nahulog sa bangin sa Santa Cruz, 6 sugatan

by

SANTA CRUZ, Marinduque — Anim katao kabilang ang drayber ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang isang puting van sa Sitio Ilaya II, Brgy. Dolores, Santa Cruz, Marinduque nitong Sabado ng hapon, Marso 28.

Batay sa ulat ng Marinduque Police Provincial Office, naganap ang insidente bandang 2:55 pm habang binabagtas ng sasakyan ang daan patungong Barangay Aturan.

Ang naturang sasakyan ay minamaneho ng isang 43 anyos, na lalaki, residente ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon sa imbestigasyon ng Santa Cruz Municipal Police Station (MPS), nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber matapos hindi mapansin ang kurbadang bahagi ng kalsada. Dahil dito, dumiretso ang sasakyan at nahulog sa bangin.

Nagtamo ng minor injuries ang drayber at limang pasahero ng van. Agad silang dinala sa Santa Cruz District Hospital upang mabigyan ng kaukulang lunas.

Samantala, nagpaalala ang awtoridad sa mga bakasyunistang motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho lalo na kung hindi pamilyar sa sitwasyon ng kalsada sa isang lugar. -- Marinduquenews.org

Saturday, March 28, 2026

Marinduque PPO naghahanda para sa Stride for the Tide Kalasag Dagat Fun Run 2026

by

BOAC, Marinduque — Matagumpay na isinagawa ng Marinduque Police Provincial Office (MPPO) ang unang Coordinating Meeting para sa nalalapit na “Stride for the Tide: Kalasag Dagat Fun Run 2026” nitong Biyernes, Marso 27, 9:00 am sa MPPO Conference Room, Camp Colonel Maximo Abad, Boac, Marinduque.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Virgilio R. Madronio, Deputy Provincial Director for Administration/Operations ang pulong na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal at tauhan na nakatalaga sa pagpaplano at pagpapatupad ng naturang aktibidad.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Patrolwoman Annabelle A. Aday. Sinundan ito ng roll call ng mga dumalo na isinagawa ni Police Captain Lily G. Nicolas, Chief ng Public Information Office (PIO). Pormal namang binuksan ni Madronio ang pagpupulong.

Samantala, ibinahagi ni Police Major Jerome V. Mendiola, Acting Chief ng Police Community Affairs and Development Unit, ang mga update hinggil sa mga nakatalagang gawain at paghahanda para sa fun run. Tinalakay rin ng Operations Police Non-Commissioned Officer ng Boac Municipal Police Station ang planong deployment at ruta ng fun run upang matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na daloy ng aktibidad.

Nagkaroon din ng open forum kung saan nabigyang-linaw ang mga tungkulin ng bawat yunit, natugunan ang mga katanungan, at higit na napalakas ang koordinasyon sa pagitan ng mga tanggapan. Nagbigay rin si Madronio ng mga karagdagang gabay at direktiba upang matiyak ang matagumpay na pagsasagawa ng programa.

Nagtapos ang pulong sa isang nagkakaisang pangako mula sa lahat ng opisina at yunit, kabilang ang mga virtual attendees mula sa iba't ibang tanggapan at national support unit, na kanilang gagampanan nang maayos ang kani-kanilang tungkulin para sa katagumpayan ng nasabing fun run. -- Marinduquenews.org

Wednesday, March 25, 2026

Mensahe ni Gov. Melecio Go hinggil sa ika-30 anibersaryo ng Marcopper mining disaster

by

Una sa lahat, nais kong ipahayag ang aking taos-pusong pasasalamat sa MACEC sa patuloy nitong pagsusulong ng adbokasiya para sa kalikasan at sa pagpapanatiling buhay ng panawagan para sa katarungang pangkalikasan sa ating lalawigan.

Nakikiisa rin ako sa inyo sa pagbibigay-pugay sa mga taong nanindigan sa laban na ito—sa mga pumili ng prinsipyo kaysa pakikipagkompromiso, at ng tapang kaysa pansariling kaginhawahan. Ang kanilang naging halimbawa ay hindi dapat makalimutan. Ngunit mga kasama, hindi sapat ang paggunita lamang.

Tatlong dekada na ang lumipas mula nang mangyari ang trahedya sa Boac River. Sa loob ng panahong iyon, sapat na ang mga salita, sapat na ang mga seremonya, at sapat na rin ang mga tagumpay na nananatili lamang sa papel. Ang mamamayan ng Marinduque ay may karapatan sa higit pa rito. Karapatan nila ang katotohanan.

Kaya naniniwala ako na ito rin ang tamang panahon upang magsalita nang tapat tungkol sa ating kalagayan.

Anumang settlement na may kinalaman sa kinabukasan ng Marinduque ay hindi dapat tingnan lamang sa kung ano ang ipinapangako nito, kundi lalo na sa kung ano ang tunay nitong naisasakatuparan at natitiyak para sa ating lalawigan. Kung may mga kundisyong nagdudulot ng pag-aalinlangan, kung may mga kaayusang maaaring makapinsala o makapagpabigat sa interes ng lalawigan, o kung may mga probisyong legal at pinansyal na nangangailangan pa ng paglilinaw, tungkulin nating harapin ang mga iyon nang direkta, maingat, at may buong pananagutan.

Hindi tayo maaaring maging kampante. Hindi rin natin maaaring ipagtanggol ang mga nagnanais pang higit na makinabang lampas sa makatarungan at nararapat sa kanila.
Hindi natin kayang tanggapin ang kalabuan. At lalong hindi natin maaaring ituring na pangalawa lamang ang kapakanan ng Marinduque.

Sa pagpapatuloy ng ating hakbang, malinaw ang aking paninindigan: susuportahan ko ang bawat legal, makatarungan, at kinakailangang pagsusuri sa lahat ng kasunduang legal at kontraktuwal na may kaugnayan sa usaping ito.

Hinihingi ng interes ng taumbayan na ang lahat ng tuntunin ay malinaw, ang lahat ng obligasyon ay patas, at ang lahat ng pagkilos ay nakatuon sa iisang layunin—ang tunay na rehabilitasyon ng Marinduque at ang katarungang matagal nang hinihintay ng ating mga kababayan.

Kasabay nito, nais ko ring sabihin ito nang may buong paggalang: hindi dapat humantong ang usaping ito sa paninisi lamang sa isang opisina o sa isang tao.

Ang mga pasya, mga pagkukulang, at mga pangyayaring nagdala sa atin sa puntong ito ay kinasangkutan ng iba’t ibang tao at iba’t ibang institusyon. Kung may naging pagkukulang, magkaroon sana tayo ng tapang na aminin iyon. Kung may mga oversight, itama natin ang mga iyon. Ngunit huwag nating baluktutin ang katotohanan sa pamamagitan ng pamimili ng sisisihin sa isang suliraning sama-samang nabuo at sama-samang nakaapekto sa ating lalawigan.

At higit sa lahat, huwag nating haluan ng pulitika ang usaping may kinalaman sa kinabukasan ng Marinduque.

Ang rehabilitasyon ng ating mga ilog, ang pangangalaga sa yaman ng bayan, at ang pagsusulong ng karapatan ng ating mamamayan ay hindi dapat isantabi dahil sa pansariling ambisyon, interes ng grupo, o mga hakbang na ang iniisip lamang ay halalan.

Ang adhikaing ito ay mas malaki kaysa pulitika.
Mas malaki kaysa personalidad.
Mas malaki kaysa alinmang administrasyon.
Bilang inyong Gobernador, isang prinsipyo ang malinaw kong pinanghahawakan: ang kapakanan ng Marinduque ang dapat mauna sa lahat.
Hindi kaginhawahan.
Hindi pulitika.
Hindi pansariling interes.
Marinduque ang dapat mauna.

Kaya naman, magpatuloy tayo nang may kahinahunan, may pagbabantay, at may pagkakaisa. Tiyakin nating ang ipinaglaban sa loob ng napakahabang panahon ay hindi mapapahina dahil sa kakulangan ng kalinawan, kakulangan ng tapang, o kakulangan ng sama-samang disiplina.

Matagal nang naghihintay ang mamamayan ng Marinduque.  Karapat-dapat sila sa katapatan ng ating serbisyo!

Parangalan natin ang nakaraan hindi lamang sa pamamagitan ng pag-alala rito, kundi sa pagpapatunay na tayo ay karapat-dapat sa mga naunang sakripisyo at sa laban na iniwan sa ating pangangalaga.

Maraming salamat po, at nawa’y patuloy na gabayan ng Diyos ang ating mahal na Lalawigan ng Marinduque.

MACEC marks 30 years since Marcopper disaster, calls for action on rehabilitation

by

BOAC, Marinduque — The Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) on Tuesday, March 24 commemorated the 30th anniversary of the Marcopper mine tailings disaster with a roundtable discussion (RTD) on the Boac River spill, held at the Sacred Heart Diocesan Pastoral Center.

In a statement, MACEC described the anniversary as “a somber reminder of the 1.6 million cubic meters of toxic waste that devastated the Boac River,” while also highlighting it as “a testament to the decades-long resilience of the Marinduqueño people.”

The group emphasized that the province now stands at a “historic crossroads,” following the Court of Appeals’ approval of a $100-million settlement agreement with Barrick Gold Corporation (formerly Placer Dome).

“We transition from a season of litigation to a season of restoration,” MACEC said, stressing that it is a collective responsibility to ensure the agreement becomes “a catalyst for the physical and ecological healing of our province,” rather than merely a legal victory.

The roundtable discussion aimed to outline concrete steps toward rehabilitation. Among its key objectives were the creation of a unified roadmap to fast-track the implementation of the settlement agreement and initiate science-based environmental restoration, as well as ensuring transparency in the management of funds dedicated to rehabilitating the Boac and Mogpog rivers, Calancan Bay, and other affected areas.

The event also paid tribute to environmental advocates Eliza Hernandez, Mamerto Lanete, and Godofredo Manoy who were recognized for their role in filing the Writ of Kalikasan, a legal action that helped pave the way for the settlement.

During the program, the MACEC secretariat presented the organization’s 30-year struggle for environmental justice, followed by a legal briefing and updates on the settlement. Discussions also tackled the role of a proposed multi-stakeholder oversight council and the challenges ahead in ensuring effective implementation.

Local officials, including members of the Sangguniang Bayan and chief executives from Boac, Mogpog, and Santa Cruz, participated in the discussions. A proposed rehabilitation roadmap was presented by the MACEC chairperson, while the provincial governor through its representative delivered a message emphasizing unity and moving forward.

The event concluded with a synthesis of action points and resolutions, and the signing of a unity statement among stakeholders.

Among those in attendance were Bishop Edwin Panergo of the Diocese of Boac, members of the Sangguniang Panlalawigan, local government officials, non-government organizations, and representatives from the private sector. -- Dr. Randy T. Nobleza/Marinduquenews.org

Tuesday, March 24, 2026

Halos ₱10-M multa, maaaring magpatigil sa biyahe ng Starhorse na Lucena-Marinduque

by

MOGPOG, Marinduque -- Nanganganib na masuspinde ang operasyon ng Starhorse Shipping Lines sa rutang Lucena–Marinduque ngayong Semana Santa dahil sa hindi pa nababayarang multa na halos umabot sa ₱10 milyon, ayon sa ulat.

Batay sa impormasyong inilathala ng Abante, nagmula ang naturang halaga sa mga paglabag ng ilang barko ng kumpanya sa mga patakaran ng Philippine Ports Authority (PPA). Kabilang sa mga paglabag ang umano’y hindi tamang pagtatapon ng waste mula sa mga barko mula Pebrero 19, 2025 hanggang Pebrero 11, 2026.

Dahil dito, posibleng hindi na payagang gumamit ng mga pasilidad ng PPA ang Starhorse sa mga pantalan ng Lucena City at Balanacan, Mogpog, Marinduque hangga’t hindi nito nababayaran ang mga obligasyon.

Iniulat din na dalawang beses nang nagpadala ng pormal na abiso ang PPA kay Starhorse Shipping General Manager Merian Reyes, subalit hindi umano ito tinugunan.

Dagdag pa rito, paso na ang accreditation ng kumpanya sa PPA mula pa noong Enero 2025. Ayon sa umiiral na regulasyon, hindi ito maibabalik hangga’t hindi nababayaran ang lahat ng multa at iba pang obligasyon.

Kabilang sa mga barkong pinatawan ng parusa ang Virgen de Peñafrancia II, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, XII, at XV, gayundin ang Viva San Lorenzo Ruiz.

Sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa at sa paggunita ng Moriones Lenten Rites, posibleng magdulot ng abala sa mga biyahero ang naturang isyu, lalo na sa mga planong bumiyahe patungong Marinduque. Patuloy namang hinihintay ang pahayag ng pamunuan ng Starhorse Shipping hinggil sa usapin. -- Marinduquenews.org

Coast Guard nagsagawa ng 'search and rescue exercise' sa Poctoy White Beach

by

TORRIJOS, Marinduque — Nagsagawa ng 'search and rescue exercise' (SAREX) ang Coast Guard Station (CGS) Marinduque, katuwang ang Substation Santa Cruz, bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ngayong nalalapit na Mahal na Araw.

Isinagawa ang aktibidad nitong Lunes, Marso 23 sa Poctoy White Beach, isa sa mga pangunahing dinarayo ng mga bisita tuwing Semana Santa. Tampok sa pagsasanay ang simulation ng isang insidente ng pagkalunod upang masubok ang kahandaan ng mga responder sa mga emergency sa baybayin.

Nakibahagi sa nasabing pagsasanay ang iba’t ibang ahensya kabilang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Torrijos Municipal Police Station (MPS), PNP Maritime Group, Torrijos Municipal Fire Station, Rural Health Unit (RHU), Municipal Agriculture Office (MAO), at mga opisyal ng Barangay Poctoy.

Layunin ng SAREX na palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya at tiyakin ang kahandaan sa mabilis na pagtugon sa mga insidente sa dagat. Sa isinagawang simulation, ipinakita ang water search operations, rescue at retrieval ng biktima, gayundin ang pagbibigay ng basic life support.

Ayon sa Coast Guard Station Marinduque, mahalaga ang ganitong mga pagsasanay upang higit pang mapahusay ang kakayahan ng mga responder at mapanatili ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa panahon ng mga okasyon kung kailan dumarami ang mga bumibisita sa mga baybaying-dagat. -- Marinduquenews.org

Monday, March 23, 2026

Magkapatid, huli sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Mogpog

by

MOGPOG, Marinduque — Dalawang magkapatid na lalaki ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Mogpog Municipal Police Station (MPS) at Police Provincial Drug Enforcement Unit (PPDEU) matapos maaktuhan sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga sa Brgy. Market Site, Mogpog, dakong alas-7:30 ng umaga nitong Linggo, Marso 22.

Kinilala ang mga suspek na kapwa residente ng Brgy. Lumbangan, Rosario, Batangas, na umano’y nagnenegosyo ng pagtitinda ng itlog sa pamilihan ng Mogpog. Gayunman, natuklasan ng mga awtoridad na isinasabay nila rito ang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Sa isinagawang buy-bust operation, matagumpay na nakabili ang poseur-buyer ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga sa halagang P1,000. Matapos ang transaksyon, narekober pa mula sa bulsa ng isa sa mga suspek ang apat pang sachet na nakabalot sa puting papel at nakalagay sa loob ng kaha ng sigarilyo.

Tinatayang may kabuuang timbang na humigit-kumulang isang gramo ang mga nakumpiskang droga na may halagang umaabot sa P4,500.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mogpog MPS ang dalawang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. — May kasamang ulat mula kay Dennis Nebrejo/PIA-Marinduque

Thursday, March 19, 2026

Produksyon ng niyog sa Gasan, mas palalakasin

by

Aktibong nakiisa sa limang araw na Training on Coconut Production with Good Agricultural Practices ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Gasan.

Binigyang-diin ni Philippine Coconut Authority–Marinduque chief Judy DP. Pingco ang kahalagahan ng patuloy na pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka upang higit na mapaunlad ang industriya ng niyog sa probinsya.

Bahagi ng pagsasanay ang serye ng talakayan at mga hands-on na aktibidad, kabilang ang wastong pagpili ng de-kalidad na seednuts, paghahanda ng seedbed, at tamang paglalayout at pagtatanim ng niyog. Layunin nitong matiyak na maisasabuhay ng mga kalahok ang mga natutunan at maipatupad ang mga ito sa kanilang mga komunidad. -- Marinduquenews.org

Tuesday, March 10, 2026

Serbisyo sa Kapitolyo, 5 araw pa rin

by

BOAC, Marinduque — Maaaring pumili ang mga kwalipikadong empleyado ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque ng apat na araw na compressed workweek, alinman mula Lunes hanggang Huwebes o Martes hanggang Biyernes, bilang bahagi ng hakbang ng gobyerno upang makatipid sa enerhiya habang tinitiyak ang tuluy-tuloy na serbisyo publiko.

Ito ang nakapaloob sa Memorandum Circular No. 16, Series of 2026 na nilagdaan at inanunsyo ni Governor Melecio Go kung saan ay ipatutupad ang pansamantalang apat na araw na workweek simula Lunes, Marso 9.

Layunin ng nasabing work arrangement na matiyak na patuloy na makapagbibigay ng serbisyo ang pamahalaang panlalawigan mula Lunes hanggang Biyernes, upang hindi maantala ang operasyon ng gobyerno.

Batay sa memorandum, kinakailangang pumasok sa opisina mula 7:00 am hanggang 6:00 pm ang mga kwalipikadong empleyado na may 10 oras kada araw, hindi kasama ang isang oras na meal break, upang makumpleto ang 40 oras na trabaho bawat linggo.

Nilinaw naman ni Go na walang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ang magsasara tuwing Biyernes dahil lamang sa pagpapatupad ng compressed workweek.

Magpapatupad ang mga opisina ng angkop na staffing schedules upang matiyak na mananatiling bukas at handang maglingkod ang bawat opisina sa buong regular na linggo ng trabaho.

Alinsunod sa direktiba mula sa Malacañang, hinihikayat ang mga tanggapan ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dulot ng nagpapatuloy na krisis sa Gitnang Silangan. -- Marinduquenews.org

Thursday, March 5, 2026

Maraming empleyado ng Kapitolyo 'di maka-sweldo; kawalan ng prov'l treasurer itinuturong dahilan

by

BOAC, Marinduque — Patuloy na naghihintay ang maraming empleyado ng pamahalaang panlalawigan Marinduque sa kanilang sahod matapos maantala ang pagproseso ng payroll dahil sa bakanteng posisyon ng Provincial Treasurer.

Ayon kay Governor Melecio Go, nauunawaan niya ang hirap na nararanasan ng mga kawani na umaasa sa kanilang sweldo.

“Alam kong marami sa ating mga kawani ang naghihintay sa kanilang sahod. Naiintindihan ko kung gaano ito kabigat, lalo na para sa mga pamilyang umaasa sa kanilang sweldo,” pahayag ni Go.

Ipinaliwanag ng gobernador na ang pangunahing dahilan ng pagkaantala ay ang kawalan ng provincial treasurer, matapos aniyang umalis sa posisyon ang dating treasurer noong Enero. Aniya, kinakailangan ang pirma ng Provincial Treasurer sa payroll documents upang maiproseso ang sahod ng mga empleyado.

“Kapag walang Treasurer, walang payroll,” ani Go, na idinagdag pang naapektuhan din ang iba pang financial transactions ng pamahalaang panlalawigan.

Bukod dito, lumitaw din umano ang mas malalim na suliranin sa sistema kung saan ay natuklasan noong Pebrero na sa loob ng maraming taon ng mga nakaraang administrasyon ay walang naitalagang Assistant Treasurer o kwalipikadong staff na maaaring pansamantalang pumalit o gumanap sa tungkulin sakaling mabakante ang posisyon ng Provincial Treasurer.

Ipinaliwanag din ni Go na sa ilalim ng Local Government Code, ang Provincial Treasurer ay itinatalaga ng Kalihim ng Department of Finance (DOF), habang ang papel naman ng provincial government ay ang magrekomenda ng mga kwalipikadong kandidato para sa naturang posisyon.

Sa kasalukuyan, nasa Maynila umano ang gobernador upang makipagpulong sa DOF at Regional Development Council (RDC) upang maayos ang sitwasyon at makahanap ng pangmatagalang solusyon.

Humingi rin ng paumanhin si Go sa mga apektadong kawani ng pamahalaang panlalawigan.

“Humihingi po kami ng paumanhin sa ating mga kawani. Ginagawa namin ang lahat upang maayos ito agad at upang hindi na ito maulit pa,” aniya. -- Marinduquenews.org

Lalaki patay matapos maaksidente sa humps sa Brgy. Taytay

by

SANTA CRUZ, Marinduque — Patay ang isang lalaki matapos maaksidente habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Taytay, Santa Cruz.

Kinilala ang biktima sa alyas na Nel, residente ng Barangay Pagasa ng naturang bayan.

Batay sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang hindi nito napansin ang isang medyo may kataasang humps sa kalsada. Dahil dito ay nawalan siya ng kontrol sa sasakyan na nagresulta sa aksidente.

Sa lakas ng impact, tumama ang leeg ng biktima sa isang poste na nasa gilid ng kalsada.

Agad na dinala ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas. Gayunman, dahil sa matinding pinsala sa kanyang katawan, binawian din ito ng buhay.

Samantala, nanawagan ang isang netizen sa mga kinauukulan na pinturahan o lagyan ng malinaw na marka ang mga humps sa kalsada upang agad itong mapansin ng mga motorista at maiwasan ang kaparehong insidente.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ang mga motorista na laging magsuot ng helmet at mag-ingat sa pagmamaneho lalo na sa mga lugar na may humps o hindi pantay ang kalsada. -- Marinduquenews.org

MarSU launches Kalutang violet exchange series for Women’s Month

by

BOAC, Marinduque — In celebration of National Women’s Month, the Marinduque State University (MarSU)-College of Arts and Social Sciences (CASS), through its General Education Elective 2: Gender and Society course, is organizing the second season of the Kalutang Violet Exchange Series every Wednesday of March.

Led by Bachelor of Science in Social Work (BSSW) students, the initiative highlights gender-related research conducted from 2016 to 2024 and connects these studies with local organizations that support women’s empowerment, gender studies, and advocacy.

The first session on March 4 featured discussions on the MarSU Gender and Development (GAD) Focal Point System alongside research presentations including “Causes and Effects of Unexpected Pregnancy among College Students in Marinduque State University by Ysabel Marie Chan, and “Lived Experience of Teenage Mothers in Barangay Dili and Pinggan, Municipality of Gasan” by Kheychel Deano, Rassel Loto, and Jovelene Morong.

On March 11, another set of gender-related research will be presented, including “Possible Factors that Suspected Violators Commit Incest” by Lundag et al. and “Level of Gender Attributes of Male and Female Students of Marinduque State University” by Manubac et al., both conducted by BSSW students from the 2018 and 2019 batches. The session will also spotlight Circulo de Mujeres (Boac Women’s Club), a local organization advocating for women’s welfare.

The third session on March 18 will feature the thesis “Breaking Gender Barriers: Socio-economic, Cultural and Personal Factors Influencing Male Students to Pursue the Social Work Academic Path in MSC” by Arriene Jane Linguit, Ma. Fe Canelas, and Bea Moring, as well as “Level of Gender Sensitivity of BS Social Work Students in Selected State Universities and Colleges in Mimaropa Region” by Monteron et al. The KALIPI (Kalipunan ng mga Liping Pilipina) Marinduque will also participate virtually as part of the National Women’s Month celebration.

The series will conclude on March 25 with presentations of “Level of Acceptance of ‘Bekis’ by Immediate Families in Marinduque” by Jayson Mistal et al. and “Challenges Encountered in the Implementation of the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 in Boac, Marinduque” by Villavicencio et al. The final session will feature the Bila-bila LGBTQIA+ Association of Boac, Marinduque.

Through the Kalutang Violet Exchange Series, MarSU aims to promote awareness and meaningful dialogue on gender issues while strengthening partnerships with community organizations that advocate for gender equality and inclusivity. -- Dr. Randy Nobleza/Marinduquenews.org

Wednesday, March 4, 2026

DOLE nagbigay ng manicure, pedicure kits sa mga magulang ng child laborer sa Marinduque

by

BOAC, Marinduque — Nakatanggap ng mga kagamitan para sa manicure at pedicure ang apat na magulang ng mga child laborer (PCL) sa lalawigan ng Marinduque mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP.

Pinagkalooban ng naturang mga livelihood kits ang mga benepisyaryo na nagmula sa mga bayan ng Mogpog, Gasan, Santa Cruz, at Boac. Ito ay pinangunahan ni DOLE Marinduque head Marjun Moreno kung saan layunin nitong mapalawak ang oportunidad sa kita ng mga magulang, mapabuti ang kalidad ng kanilang serbisyo, at mapanatili ang kanilang maliliit na negosyong tumatakbo na sa loob ng walo hanggang sampung taon.

Bukod sa mga kagamitan, binigyan din ang mga benepisyaryo ng pagsasanay upang higit pang mapaunlad ang kanilang kaalaman sa pamamahala ng negosyo. Tinalakay ni Livelihood Development specialist Ralph Ryan Malinao ang mahahalagang paksa tulad ng financial management, tamang pagbabadyet, pag-iimpok, at wastong paggamit ng tulong pangkabuhayan upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng kanilang hanapbuhay.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang isa sa mga benepisyaryo na si Anna Joy Dela Peña. “Napakalaking tulong po dahil talagang magagamit namin sa paghahanap-buhay para may pandagdag sa pag-aaral ng aming mga anak. Sana po ay marami pang matulungan ang DOLE na mga katulad namin,” aniya.

Patuloy na pinagtitibay ng DOLED ang kanilang pangako na tulungan at bigyang-kapangyarihan ang mga pamilyang kabilang sa mga vulnerable sector sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan na pangmatagalan. Bahagi ang inisyatibong ito ng mas malawak na pagsisikap ng pamahalaan na maiwasan ang child labor sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kakayahang pang-ekonomiya ng mga magulang at tagapag-alaga. -- Marinduquenews.org

Friday, February 27, 2026

3 sugatan sa banggaan ng kotse at owner-type jeep sa Cabuyo

by

TORRIJOS, Marinduque -- Tatlong katao ang sugatan sa naganap na banggaan ng isang kotse at owner-type jeep sa national road sa Brgy. Cabuyo, Torrijos, Marinduque, gabi ng Huwebes, Pebrero 26.

Kinilala ang driver ng kotse sa alyas na Orio, 55 taong gulang, residente ng Brgy. Poblacion, Torrijos na may sakay na dalawang pasahero habang ang driver ng owner-type-jeep ay kinilala sa alyas na Adam, 54 anyos at residente ng Brgy. Cabuyo.

Batay sa imbestigasyon ng Torrijos Municipal Police Station, bandang 11:45 ng gabi, nilalakbay ng pulang kotse ang national road patungong Barangay Poblacion nang biglang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng owner-type jeep habang binabagtas ang kurbadang bahagi ng kalsada patungong Barangay Tigwi.

Lumalabas sa paunang ulat na nasa impluwensya umano ng alak ang driver ng owner-type-jeep dahilan upang masakop nito ang linya ng kotse na nagresulta sa banggaan.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang harapan ng kotse habang nasira rin ang kaliwang bahagi ng owner-type-jeep.

Nagtamo ng iba't ibang sugat sa katawan ang parehong driver gayundin ang isang pasaherong sakay ng Toyota vios na agad isinugod sa Torrijos Municipal Hospital para sa agarang lunas habang wala namang naitalang pinsala sa katawan ang isa pang sakay ng kotse.

Patuloy na nagpapaalala ang mga awtoridad sa publiko na huwag magmaneho kung nasa impluwensya ng alak upang maiwasan ang kaparehas na uri ng aksidente. -- Marinduquenews.org

Tuesday, February 24, 2026

Suspek sa pamamaril sa mag-ama at 1 empleyado sa Gasan, sumuko na

by

GASAN, Marinduque -- Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang suspek na namaril sa mag-ama at empleyado ng isang agricultural training center sa Brgy. Masiga, bayan ng Gasan nitong Linggo, Pebrero 22.

Kinilala ang suspek bilang farm supervisor at kasalukuyang nagta-trabaho sa nasabing training center na tubong Nueva Ecija.

Ayon kay Police Colonel Cornelio Tadena, Jr. hepe ng Marinduque Police Provincial Office (PPO), nakipag-ugnayan sa kanya ang suspek kaninang umaga para magpahayag ng boluntaryong pagsuko.

Dakong 7:30 ng umaga, personal na pinuntahan ni Tadena kasama ang iba pang opisyal ng Gasan Municipal Police Station (MPS) upang tiyakin ang maayos at payapang pagsuko ng suspek.

"Ang boluntaryong pagsuko ng suspek ay nagpapakita ng bisa ng pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng pulisya at komunidad," pahayag ni Tadena.

Dagdag pa ng hepe, "Ang mapayapang pagsuko ng suspek at ang pagsuko ng baril ay mahalagang hakbang tungo sa agarang pananagutan. Tinitiyak namin sa publiko na ang Marinduque PPO ay kikilos nang naaayon sa batas at may mahigpit na paggalang sa due process upang matiyak ang makatarungan at maayos na paghahatid ng hustisya."

Samantala, kaakibat ng pagsuko ng suspek ay ang pagturn-over ng baril na pinaniniwalaang ginamit sa naturang insidente.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Gasan MPS para sa kaukulang dokumentasyon para sa inquest proceedings habang ang isinukong baril ay sasailalim sa masusing forensic examination upang matukoy ang kaugnayan nito sa krimen bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kasong multiple frustrated murder at paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek. -- Marinduquenews.org

Lalaking motorista, patay matapos mahulog sa ilog sa Matandang Gasan Bridge

by

GASAN, Marinduque — Isang 19-anyos na lalaki ang nasawi matapos aksidenteng mahulog habang sakay ng motorsiklo sa ilog sa ilalim ng Matandang Gasan Bridge sa Brgy. Matandang Gasan, madaling araw nitong Martes, Pebrero 24.

Kinilala ang biktima sa alyas na Doy, binata at residente ng Brgy. Sihi, Buenavista.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Gasan Municipal Police Station, napag-alaman na habang tinatahak ng biktima ang ginagawang tulay sa nasabing lugar, siya ay aksidenteng nahulog sa ilog na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Ang bangkay ay dinala sa Rural Health Unit ng Gasan para sa post-mortem evaluation. -- Marinduquenews.org

Monday, February 23, 2026

Mag-ama at 1 empleyado, sugatan sa pamamaril sa Gasan

by

GASAN, Marinduque -- Sugatan ang mag-ama kabilang ang isang empleyado matapos maganap ang kaguluhan na humantong sa pamamaril sa Brgy. Masiga, bayan ng Gasan, gabi nitong Linggo, Pebrero 22.

Batay sa ulat ng Marinduque Police Provincial Office naganap ang insidente bandang 10:45 pm kung saan ay bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang lalaking may-ari ng Fazendas Agri-Productivity and Training Center.

Sa paunang impormasyon, lumalabas na ang suspek ay nagta-trabaho rin sa nasabing training center na tubong Nueva Ecija.

Samantala, pinaputukan din nang baril ng suspek ang isang babaeng anak ng may-ari ng sakahan. Kasama rin sa tinamaan ng baril ay ang isang lalaki na tauhan ng Fazendas. Sa kabuuan, tatlo ang nasugatan sa insidente.

Agad dinala ang mga biktima sa Marinduque Provincial Hospital para sa paunang lunas at kalaunan ay inilipat sa isang ospital sa Quezon province para sa karagdagang gamutan.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya habang tinutugis ang suspek na umano'y armado ng baril. -- Marinduquenews.org

Thursday, February 19, 2026

Magnitude 2.0 na lindol, naramdaman sa Boac

by

BOAC, Marinduque — Isang 2.0 magnitude na lindol ang tumama sa bayan ng Boac, umaga ng Huwebes, Pebrero 19 batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Nangyari ang lindol bandang 6:31 am sa may 015 kilometro Hilagang Kanluran ng Boac, Marinduque kung saan may lalim na 025 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Ayon sa Phivolcs walang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng lindol. -- Marinduquenews.org

Friday, February 13, 2026

Mahinang pagyanig ng lupa, naramdaman sa Gasan

by

GASAN, Marinduque -- Naramdaman ang mahinang pagyanig ng lupa sa may bahagi ng Gasan matapos maitala ang 1.4 magnitude na lindol, hapon ng Biyernes, Pebrero 13.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natunton ang sentro ng lindol sa layong 018 kilometro Hilagang Kanluran ng Gasan bandang 1:30 ng hapon.

May lalim ang lindol na 031 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.

Wala namang naidulot na pinsala ang naturang lindol.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig. -- Marinduquenews.org

Thursday, February 5, 2026

Tulfo, bumisita sa Marinduque; Pagsasaayos ng mga silid-aralan sa higit 10 paaralan, popondohan

by

BOAC, Marinduque — Bumisita sa lalawigan ng Marinduque si Senador Erwin Tulfo para sa isang produktibong konsultasyon kasama ang mga lokal na opisyal na pinangunahan ni Gobernador Melecio Go, mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholders, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na ilapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan.

Sa isinagawang Stakeholders Consultation, tinalakay ang ilang mahahalagang panukala kabilang ang isinusulong na Simplified Government Aid Access Act na layong pabilisin ang pamamahagi ng ayuda sa pamamagitan ng one-day processing, pagbawas ng requirements, at mas maayos na daloy ng tulong para sa mga nangangailangan.

Kasama rin sa mga napag-usapan ang pagpopondo ng karagdagang school buildings sa lalawigan. Ayon kay Sen. Tulfo, nakapaloob na sa General Appropriations Act (GAA) ang pondo para sa konstruksyon ng mga silid-aralan st school building sa higit 10 paaralan sa Marinduque, kabilang ang tatlong-palapag na gusali na may sapat na pasilidad tulad ng palikuran at suplay ng tubig. Mayroon din umanong naka-line up na pondo para sa classroom construction hanggang taong 2031.

Binigyang-diin din ng senador ang kahalagahan ng pagpapabuti ng access routes at interconnectivity sa rehiyon upang mas marami pang turista at mamumuhunan ang makadayo sa tinaguriang “Heart of the Philippines.” Kasama sa mga isinusulong ang Mimaropa interconnectivity sa susunod na GAA at ang suporta sa planong Diamond Route na pinangungunahan ng pamahalaang panlalawigan.

“Patuloy tayo sa ginagawa natin na paglapit ng serbisyo ng gobyerno sa tao, lalo na sa mga rehiyon tulad ng Mimaropa. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Marinduque,” pahayag ni Sen. Tulfo.

Nagpasalamat naman si Go sa pagbisita ng senador at binigyang-diin ang kahalagahan nito para sa lalawigan. “Kayo po ang kauna-unahang senador na bumisita sa aming lalawigan sa ilalim ng aking pamumuno kaya lubos ang aming pasasalamat sa inyong pagdating,” wika ng gobernador.

Ipinahayag din ni Tulfo ang kanyang personal na pag-unawa sa kalagayan ng mga probinsya, dahil siya ay lumaki sa Palawan. Aniya, batid niya ang pakiramdam ng mga lalawigang napag-iiwanan ng kaunlaran, kaya’t patuloy niyang isusulong sa Senado ang mga programang tutugon sa pangangailangan ng mga rehiyon.

Bilang pagtatapos, sinabi ng senador na patuloy niyang susubaybayan ang mga isyung kinahaharap ng Mimaropa at target niyang bumisita sa Marinduque kung may pagkakataon, upang mas mapalakas pa ang ugnayan ng pambansang pamahalaan at ng lalawigan. -- Photo courtesy: Marinduque Tourism and Cultural Office/Marinduquenews.com

Sunday, February 1, 2026

Ambulansya na reresponde sa naaksidenteng SUV sa Boac, nahulog sa palayan

by


BOAC, Marinduque — Nahulog sa palayan ang isang ambulansya sa Brgy. Cawit, Boac, sanhi ng madulas na kalsada dulot naman ng patuloy na pag-ulan, umaga ng Linggo, Pebrero 1.

Ayon sa ulat, reresponde sana ang ambulansya ng Marinduque Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa isang pulang SUV na nauna nang naaksidente sa kaparehong lugar bandang alas-8:17 ng umaga.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang pulang SUV ay patungo sana sa Brgy. Duyay nang mawalan ng kontrol ang driver, dahilan upang mahulog sa isang maliit na bangin. Driver lamang ang sakay ng SUV sa oras ng aksidente.

Samantala, habang patungo sa lugar ng insidente, nadulas din ang ambulansya at tuluyang nahulog sa palayan. Sakay ng ambulansya ang isang driver at isang rescuer.

Sa kabutihang-palad, ligtas at walang naiulat na malubhang pinsala sa lahat ng sakay ng parehong sasakyan. Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, lalo na sa mga madudulas na kalsada tuwing may masamang panahon. -- Marinduquenews.com

Saturday, January 31, 2026

Romeo Mataac Nat'l HS malaking tulong para sa mga residente ng Ilaya II - Go

by

BOAC, Marinduque -- Personal na binisita ni Gov. Melecio Go nitong Sabado, Enero 31 ang kasalukuyang ginagawang bagong paaralang pansekondarya sa Brgy. Poctoy, Boac — ang Romeo Mataac National High School (RMNHS).

Inumpisahang itayo nito lamang Agosto 2025, magagamit na ng Grade 7 learners ang naturang eskwelahan sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026-2027 sa darating na Hunyo.

Ayon kay Go, malaking tulong ang RMNHS sapagkat hindi na kakailanganin pang mamasahe at gumastos ng malaki para lamang pumasok sa bayan ang mga high school students na residente ng Ilaya Cluster II.

Pinasalamatan din ng gobernador ang pamilya Mataac na naging instrumento para maitayo ang paaralan lalo na sa mag-asawang Celso Jr at Vilma Mataac kasabay ang panawagan sa mga mamamayan ng Brgy. Poctoy at karatig barangay na tangkilikin ang RMNHS.

"Nagpapasalamat ako sa pamilya Mataac dahil sila ang nagdonate ng lupa na pinagtayuan ng paaralang ito. Sila rin ang nagbigay ng pondo para maipatayo ang apat na classroom ng RMNHS na umabot, I understand sa humigit ₱5-milyon," wika ng punong lalawigan.

Malugod namang ibinalita ni Go na naglaan din ng pondo ang pamahalaang panlalawigan para maipatayo ang karagdagang silid-aralan kung saan taon-taon ay inaasahang madaragdagan ang antas hanggang makompleto ang senior high school.

Ang Romeo Mataac National High School ay mayroong apat na silid-aralan kung saan ilan dito ay magsisilbing library at computer laboratory. Kompleto na sa mga upuan, lamesa at libro ang bagong tayong istruktura. May nakalaan na ring 15 computer sets, electric fans, microscope, Smart TV at iba pang gamit pang-eskwela.

Ito ay ipinangalan sa dating guro sa bayan ng Boac na si G. Romeo Mayorga Mataac o mas kilala bilang Tiyo Roming tanda ng pagkilala sa kanyang natatanging kontribusyon sa sektor ng edukasyon.

Samantala, tumatanggap na ng Grade 7 learners ang RMNHS para sa SY: 2026-2027, magtungo lamang sa tanggapan ng punong guro at hanapin si Nelsie Mampusti. -- Marinduquenews.com

Friday, January 30, 2026

Marinduque Day initiative aims to build collection for community museum

by

BOAC, Marinduque -- In celebration of the 106th anniversary of Marinduque’s reestablishment as a province, the Provincial Government of Marinduque has launched a call for public contributions to support an initial community museum exhibition titled “106 Years, 106 Stories.”

The initiative invites all Marinduqueños—both those residing on the island and those currently living elsewhere—to contribute photographs, artifacts, documents, and personal narratives that reflect the province’s rich cultural and historical heritage. Contributions are welcome from individuals, families, schools, organizations, and barangays.

Accepted materials include family portraits, records of historical events, documentation of community gatherings and cultural practices, as well as heirlooms such as tools, clothing, coins, books, and other objects of historical or cultural significance. Written materials such as letters, certificates, journals, records, and archival documents, along with personal recollections and family histories, are also encouraged.

According to the Marinduque Provincial Tourism and Cultural Office, the activity “106 Years, 106 Stories” seeks to honor the island’s heritage by curating stories and artifacts shared by the community. The project aims to strengthen cultural identity, promote historical awareness, and foster unity by building a living museum of collective memories.

The objectives of the initiative include commemorating Marinduque’s 106 years of provincial history, collecting and showcasing family photos, heirlooms, and stories that reflect the island’s heritage, establishing a community-led museum exhibit centered on shared narratives, and encouraging public participation and intergenerational engagement in cultural preservation.

Submissions will be organized according to four historical periods: the early years (1919–1940), mid-century (1941–1970), modern era (1971–2000), and contemporary period (2001–2026). Organizers emphasized that as preparations continue for the 106th Founding Anniversary of Marinduque, stories from across generations are being gathered, underscoring that every voice, memory, and legacy matters.

As part of the Marinduque Day celebration, the Provincial Government invites all residents and families to take part in the commemorative exhibit, which aims to highlight the cultural and historical journey of the province from 1920 to 2026 through a curated display of photographs, artifacts, and personal narratives.

The community-led museum installation is set to be unveiled on February 21. Those interested in contributing are encouraged to coordinate directly with the Provincial Government of Marinduque.

“Let us build this museum together—one story, one memory at a time,” the organizers said. -- Dr. Randy T. Nobleza/Marinduquenews.com

Monday, January 19, 2026

MarSU, kinilala ng PRC bilang top-performing school pagdating sa LET

by

BOAC, Marinduque -- Kinilala ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Marinduque State University (MarSU) bilang isa sa mga top-performing school pagdating sa licensure examination for teachers (LET).

Sa ginanap na Oathtaking Ceremony para sa Newly Licensed Professional Teachers nitong Sabado, Enero 17 sa Quezon Convention Center, personal na tinanggap ni MarSU president Diosdado P. Zulueta kasama ng iba pang opisyal ng unibersidad ang plaque ng pagkilala.

Ayon sa PRC, nakamit ng MarSU ang 94 percent passing rate sa September 2025 Licensure Examination for Professional Teachers (LET) matapos makapasa ang 47 sa 50 examinees, dahilan upang mapabilang ito sa Rank 10 sa buong bansa sa kategoryang may 50–99 examinees.

Sa pahayag ni Zulueta, higit pa sa estadistika ang nakamit na tagumpay dahil ito ay bunga ng masinsinang paghahanda, puno ng inspirasyong paggabay ng mga guro, at matibay na ugnayan ng akademya at mag-aaral sa iisang layunin: ang kahusayan sa edukasyon. -- Marinduquenews.com

Monday, January 12, 2026

Ex-bokal Dindin Mercado, pumanaw na

by

BOAC, Marinduque -- Pumanaw na si dating first district board member, Bernadine Opis-Mercado o mas kilala bilang Bokal Dindin.

Ayon sa post ni Teacher Romelie Mangui, "May your soul Bokal Dindin Opis rest in peace. Nakakabigla naman po. Isa sa napakabait na parent ng aking estudyante sa ICC before, napakalambing at 'di makalimot."

Nagpaabot din ng pakikiramay si dating Vice Governor Adeline Angeles, na nagpahayag ng pasasalamat sa naging serbisyo ni Opis-Mercado sa lalawigan. Ayon sa kanya, mahalagang bahagi ng pamana ng 16th Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque ang mga makabuluhang panukalang batas na inakda ni Bokal Dindin.

"Thank you Bokal Bernadine "Dindin" Opis-Mercado for your service to our province and communities. As part of the 16th Sangguniang Panlalawigan of Marinduque, the numerous important provincial legislations you authored are important part of the legacy of our leadership," wika ni Angeles.

Samantala, sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Boac Mayor Armi Carrion, “Sa ngalan ng pamahalaang bayan ng Boac, lubos po ang aming pakikiramay sa pamilya, kaibigan, at lahat ng minamahal ni Bernadine ‘Dindin’ Opis Mercado. Isa siyang tapat at masipag na lingkod-bayan na buong pusong naglingkod sa lalawigan at bayan ng Boac.”

Nahalal si Opis-Mercado bilang bokal ng unang distrito noong May 2022 national and local elections. Bago ito, nagsilbi siya bilang barangay captain ng Mataas na Bayan at kalaunan ay naging konsehal ng bayan ng Boac.

Ang kanyang malasakit, integridad at dedikasyon sa serbisyo-publiko ay mananatiling inspirasyon ng bawat Marinduqueno at ang kanyang iniwang halimbawa ng tapat na paglilingkod ay hindi malilimutan ng mga mamayang kanyang pinaglingkuran. -- Marinduquenews.com

Diamond route sea network set to transform inter-island travel in Mimaropa

by

BOAC, Marinduque — Traveling across the islands of Mimaropa may soon feel as seamless as island-hopping in the Caribbean, following the formal endorsement of the proposed Diamond Route Inter-Island Sea Transport Network by the Regional Development Council (RDC).

The initiative was presented by Marinduque Governor Melecio Go during the RDC Full Council Meeting, where he serves as chairman of the Infrastructure Development Committee. The proposal received full backing from Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, RDC Chair, and unanimous support from all Mimaropa provinces.

“Ito ang maagang pamasko ng RDC sa Mimaropa," Governor Go said, describing the project as a timely and transformative gift for the region.

The Diamond Route aims to address long-standing challenges in inter-island travel, which residents and businesses have long described as slow, costly, and poorly connected. By creating a seamless maritime loop linking Batangas–Marinduque–Romblon–Oriental Mindoro; Batangas–Oriental Mindoro–Romblon–Marinduque and Oriental Mindoro–Marinduque as well as Occidental Mindoro–Palawan, and vice versa, the project envisions faster ferries, coordinated schedules, and modern vessels that will significantly improve mobility, trade, and tourism.

Under the proposed network, travel time between islands could be cut dramatically—making it possible, for example, to visit relatives in Mindoro in as little as two hours instead of six, or to deliver fresh produce from Marinduque to Palawan within the same day.

The plan was formally endorsed to the Maritime Industry Authority (MARINA) during the 2nd Quarter Full Council Meeting of the Mimaropa RDC on June 11 in Pasay City. The proposed expansion is designed to reinforce regional integration under the Strong Republic Nautical Highway (SRNH) and further stimulate economic growth, tourism, and trade across the region.

Governor Go said the Diamond Route will utilize modern, world-class vessels capable of ensuring safe and efficient travel even amid challenging sea conditions. He emphasized that the initiative aligns with President Ferdinand Marcos Jr.’s transport modernization agenda and was recently discussed in a meeting with Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

“This is about connectivity and unlocking the full economic potential of Mimaropa," Go said. “Reliable, modern inter-island transport means better market access for our farmers, safer travel for our residents, and greater tourism opportunities across all four provinces.”

Go also revealed that several major shipping lines have already expressed interest in participating in the project, signaling strong private-sector confidence in the initiative.

Senator Zubiri voiced his support for transport, infrastructure, agriculture, and tourism programs aimed at accelerating regional development. He invited Governor Go to attend the opening of the Senate session on January 26 to further discuss regional priorities. In response, Governor Go welcomed the senator to visit Marinduque to see firsthand the province’s development initiatives and tourism potential.

Once implemented, the Diamond Route is expected to complement existing maritime transport systems, offering more frequent, reliable, and integrated services. Regional leaders believe it will redefine Mimaropa—from a collection of isolated islands into a dynamic, interconnected growth hub, often described as the “Caribbean of the Philippines.” -- with reports from April Pagaling and Romeo Mataac Jr./Marinduquenews.com

Saturday, January 10, 2026

Young performers shine as Mogpog hosts Tubungan and Kundiman competitions

by

MOGPOG, Marinduque — In a strong effort to preserve and promote local heritage, the Local Government Unit (LGU) of Mogpog, through its Tourism and Cultural Office, successfully held the Tubungan (Putong practice) and Kundiman competitions on December 30, showcasing the island’s rich musical and performing arts traditions.

At least 17 participants joined the Kundiman competition, while the Tubungan contest featured eight groups—five from the high school division and three from the elementary level—who competed for well-coveted cash prizes. The events drew enthusiastic participation from various schools across the municipality.

According to the Mogpog Municipal Tourism and Cultural Office, the competitions highlighted the creativity, discipline, and cultural pride of young performers. “Through this event, students are given the opportunity to express their artistry while preserving and promoting the traditional music and performing arts deeply rooted in local culture,” the office stated.

The Tubungan Competition began with the High School Division at 1:00 p.m., followed by the Elementary Division at 6:00 p.m., giving both age groups the opportunity to shine in their respective categories. The performances reflected not only talent and teamwork but also a deep appreciation for Mogpog’s cultural heritage. LGU Mogpog emphasized that the Tubungan Competition serves as both a contest and a celebration of tradition, encouraging the youth to value their roots while building confidence and stage presence.

In the evening, the municipality also presented Himig Mogpog: Season 1, a Kundiman Competition held at 6:00 p.m., celebrating the timeless beauty of Filipino music and the emotional depth of the kundiman. Based on the municipality’s official social media page, the event aimed to preserve and promote the kundiman as a treasured musical heritage, reflecting themes of love, patriotism, and Filipino identity.

Participants were required to wear Filipiniana or Barong attire, symbolizing elegance, respect for tradition, and pride in Filipino culture. The combination of visual grace and soulful performances created a meaningful and memorable experience for both performers and the audience.

Himig Mogpog: Season 1 served as a platform for local talents to shine, foster cultural appreciation, and strengthen community pride. The public was invited to witness an evening of heartfelt melodies, cultural expression, and artistic excellence as voices came together in celebration of the municipality’s musical heritage. (Photo: Yen Logmao Garcia) - Dr. Randy Nobleza, Marinduquenews.com

Friday, January 9, 2026

Pampasaherong bangka mula OrMin, nagkaaberya; 50 indibidwal pa-Marinduque nailigtas ng PCG

by

GASAN, Marinduque -- Mabilis na rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG)–Gasan sa isang pampasaherong bangka matapos magkaaberya ang makina habang bumibiyahe mula Pinamalayan, Oriental Mindoro patungong Gasan, Marinduque bandang 12:00 nitong Biyernes, Enero 9.

Ang MBCA Emarsan, na may sakay na 50 pasahero at 250 sako ng bigas, ay nakaranas ng engine trouble sa layong humigit-kumulang 5.5 nautical miles mula sa baybayin ng Barangay Bachao Ibaba, Gasan. Ayon sa ulat ng purser ng bangka, nagkaroon ng sira sa mechanical transmission na naging sanhi ng pagkamatay ng makina ng sasakyang pandagat habang papalapit sa Gasan Pier.

Matapos matanggap ang ulat, agad na isinagawa ng PCG ang beripikasyon at rescue protocols. Isang rescue team na may kasamang motorbanca ang ipinadala sa lugar at matagumpay na nahila ang MBCA Emarsan patungong Gasan Port. Isa pang motorbanca ang nagbigay-tulong upang masigurong ligtas ang operasyon at ang pag-asikaso sa nasirang motorbanca.

Ligtas at nasa mabuting kalagayan ang lahat na mga pasahero habang nanatiling buo at walang pinsala sa mga kargamento. Kinumpirma ng kapitan ng bangka na ang aberya sa makina ay sanhi ng pagkasunog ng clutch lining, na nagresulta sa pagkawala ng propulsion. Inatasan ng PCG ang may-ari ng bangka na tiyaking maisagawa ang kinakailangang pagkukumpuni at siguraduhing magkaroon ng sea trial bago muling pahintulutang bumiyahe ang MBCA Emarsan.

Patuloy na pinananatili ng Philippine Coast Guard ang mahigpit na pagbabantay at mga operasyon sa kaligtasan sa karagatan upang matiyak ang proteksyon ng mga pasahero, kargamento, at sasakyang pandagat sa katubigan ng bansa. -- Marinduquenews.com

Thursday, January 8, 2026

59 year-old mula Marinduque, 11 beses nag-try kumuha ng bar exam ngayon abogado na

by

Sa loob ng mahigit tatlong dekada, ang Bar Examination ay nanatiling pangarap at pagsubok para kay Eduardo Rivera Regio, isang 59-anyos, tubong Marinduqueño na pinatunayan na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa bilis, kundi sa tibay ng loob.

Noong 2025, matapos ang ikalabing-isang pagtatangka, tuluyan nang nakamit ni Regio ang matagal niyang inaasam—ang maging ganap na abogado. Sa panahong marami ang sumusuko dahil sa edad, pagod, o paulit-ulit na kabiguan, pinili niyang magpatuloy.

“Sa mga iba diyan, try lang. Hangga’t buhay, may pag-asa,” ani Regio—isang simpleng pahayag na ngayon ay nagsisilbing inspirasyon sa libo-libong Pilipino.

Tatlumpung Taon ng Pagsubok

Unang kumuha ng Bar si Regio noong 1993, nasa edad 20-anyos pa lamang. Ayon sa kanya, noon ay kinuha lamang niya ito “for the sake of taking.” Mula 1993 hanggang 2005, limang beses siyang sumubok—ngunit palaging kapos.

Matapos ang ilang taong pahinga, muling bumalik ang kanyang pangarap. Noong 2015, muli siyang nagtake ngunit nabigo sa iskor na 72.93%. Sinundan pa ito ng isa pang halos pasado na marka noong 2023—73.94%, isang kabiguang masakit ngunit hindi sapat upang tuluyan siyang pahintuin.

“Sabi ko, bibigyan ko ng last try. Hindi ako masyadong nakapaghanda noon. Kaya nagrequest ako sa PUP, nagreview ako doon, at ipinagkatiwala ko na sa Diyos,” ani Regio.

Pananampalataya at Huling Laban

Ang 2025 Bar Examination ang itinuring niyang huling laban. Sa pagkakataong ito, mas handa siya—pisikal, mental, at espiritwal. Hindi na lamang ito personal na pangarap, kundi isang misyon: ang magbigay-inspirasyon sa kanyang mga anak at patunay na ang pagsuko ay hindi kailanman opsyon.

Sa araw ng paglabas ng resulta, bumalik si Regio sa Supreme Court headquarters—isang lugar na matagal na niyang hindi napupuntahan—bitbit ang pag-asang matagal nang sinusubok ng panahon.

At sa wakas, dumating ang sagot sa kanyang mga panalangin. Isa siya sa 5,594 na pumasa sa 2025 Bar Examinations.

Higit Pa sa Personal na Tagumpay

Hindi lamang sarili ang iniisip ni Regio. Bilang dating barangay kagawad at barangay chairman, iginiit niya ang kahalagahan ng disiplina at integridad sa serbisyo publiko.

“Kailangan talaga ang public servant may disiplina. Ang pagiging makasarili ng mga namumuno ang dahilan kung bakit nawawala ang tiwala ng tao,” pahayag niya.

Sa kasalukuyan, siya ay isang empleyado ng Land Bank of the Philippines, at ngayon, isa na ring ganap na abogado—dala ang karanasan, pananampalataya, at aral ng paulit-ulit na pakikibaka.

Isang Paalala sa Lahat

Ang kwento ni Eduardo Rivera Regio ay patunay na hindi hadlang ang edad, hindi kaaway ang oras, at hindi wakas ang pagkabigo. Ang tunay na sukatan ng tagumpay ay kung ilang beses kang bumangon sa kabila ng pagkatalo.

Para sa mga Marinduqueño at sa buong bansa, ang kanyang pangalan ay hindi lamang nasa listahan ng mga pumasa sa Bar. Ito ay simbolo ng katatagan, tapang, at pananampalataya.

At para sa mga nag-aalinlangan kung “huli na ba ang lahat,” malinaw ang mensahe ni Regio: Hindi pa huli hangga’t may buhay, may pag-asa.

Monday, January 5, 2026

56,550 pasahero dumating sa Marinduque nitong holiday season

by

MOGPOG, Marinduque — Umabot sa 56,550 pasahero ang dumating sa lalawigan ng Marinduque sa kasagsagan ng holiday season, ayon sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA)-Balanacan Port Management Office.

Batay sa datos ng PPA, mula Disyembre 20 hanggang 31, 2025, naitala ang 214 barkong dumating at 210 barkong umalis sa rutang Balanacan Port, Marinduque–Talao-Talao Port, Lucena City. Sa nasabing panahon, umabot sa 49,770 ang bilang ng mga pasaherong dumating, habang 24,922 naman ang lumuwas.

Sa bilang ng mga sasakyang lulan ng barko, naitala ang 7,914 rolling cargoes o malalaking sasakyan at 3,215 motorsiklo na dumating sa lalawigan habang 4,730 malalaking sasakyan at 1,115 motorsiklo ang naitalang umalis.

Samantala, mula Enero 1 hanggang Enero 4, iniulat ng PPA na may 58 barkong dumating at 59 barkong umalis sa Balanacan Port. Sa panahong ito, umabot sa 6,780 pasahero ang dumating sa Marinduque, habang 16,702 pasahero naman ang lumuwas patungong Lucena.

Sa bilang ng mga sasakyan, 953 pribadong sasakyan at truck at 143 motorsiklo ang dumating mula sa Talao-Talao Port, habang 7,939 malalaking sasakyan at 2,718 motorsiklo ang naitalang umalis.

Sa kabuuan, mula Disyembre 20, 2025 hanggang Enero 4, 2026, umabot sa 272 ang bilang ng biyahe ng mga barko na dumating at 269 ang bilang ng biyahe ng mga barko na umalis sa Balanacan Port. Tinatayang 56,550 pasahero ang dumating sa Marinduque, habang 41,624 pasahero naman ang lumuwas palabas ng lalawigan.

Sa aspeto ng rolling cargoes, umabot sa 8,867 pribado at commercial vehicles at 3,358 motorsiklo ang dumating, habang 7,939 sasakyan at 2,718 motorsiklo ang naitalang umalis.

Ipinapakita ng mga datos na ito ang mataas na daloy ng mga pasahero at sasakyan sa Marinduque sa panahon ng kapaskuhan at bagong taon, patunay sa patuloy na pagdagsa ng mga umuuwing residente at mga turistang bumibisita sa lalawigan. -- Marinduquenews.com

Sunday, January 4, 2026

Barko mula Marinduque patungong Lucena tumirik, dangerous cargo vessel to the rescue

by

MOGPOG, Mariduque -- [UPDATED] Nagka-aberya habang bumibiyahe ngayong Linggo ng hapon, Enero 4 ang isang barko ng Starhorse Shipping Lines na nagmula sa Balanacan Port, Mogpog patungong Talao-Talao Port, Lucena City.

Kwento ng isang pasahero, tumirik ang kanilang sinasakyang barko na M/V Peñafrancia 7 kaya nagpalutanglutang sa karagatan.

Aniya, mabuti na lamang at nakasalubong nila ang dangerous cargo vessel na Viva San Lorenzo Ruiz na s'yang umaagapay ngayon sa Starhorse 7 para makarating sa pantalan.

Hindi na ibinalik sa Balanacan Port ang Starhorse 7 bagkus ay hinila na lamang patungong Talao-Talao Port dahilan para maging mabagal ang pag-usad ng nasabing mga barko.

[Update as of 5:20 pm]

Ligtas nang nakarating sa Talao-Talao Port, Lucena City ang mga pasaherong sakay ng naturang mga barko. -- Marinduquenews.com